Barangay West Poblacion bantay-bayan training

Hulyo 2014 - ginanap ang kauna-unahang pagsasanay ng bantay-bayan sa tamang pag-aresto gamit ang posas na pinangasiwaan ng Punong barangay Esmeraldo B. Abalos ng West Poblacion sa tulong ng Pantabangan PNP. Ginanap ang pagsasanay sa Pag-asa gym ng naturang barangay na tumagal ng kalahating araw.

Sa ganitong paraan maiaangat ang kamalayan ng mga bantay-bayan sa tamang pagpapatupad ng batas at tamang proseso ng pag-aresto at makatulong sa kanila na tumaas ang tiwala sa sariling kakayahan.



See more News