Serbisyo para sa Matatanda

Ang patuloy napagbibigay ng serbisyo ng ating Bahay Pamahalaan ay nakararating din sa ating mga mahal na “apong” o mga“senior citizens”ng ating bayan. Sa pamamagitan ng Organization of Senior Citizens Affair(OSCA)na nasasakupan ng Kagawaran ng KagalingangPanlipunan at Pagpapaunlad (MSWDO) ang tulong para sa mga senior citizens ay naipapamahagi ng maayos at nasa tamang oras. Ang OSCA ay pinamumunuan ni Gng. Benita Ramirez sa kasalukuyan. Ang kasalukuyang bilang ng senior citizen sa ating bayan ay 1,311. Lahat ng ito ay agreement ay isasagawa at isasakatuparan sa buwan ng Enero ng taong 2014 at magkakabisa matapos na lagdaan ng dalawang panig. Magkakaroon na ng pagkakataon ang mga manggagawa ng pamahalaang bayan ng Pantabangan na makamit ang mga kapakinabangan dulot ng Government Service Insurance System sa susunod na buwan.

mayroon ng kanikanilang i.d at booklet na kanilang nagagamit para magkaroon ng diskwento sa pagbilinggamot, pagkain,pampasaherong sasakyan at iba pa. Silarin ay binibigyan ng tulong pinansyal kung sila ay nagkakasakit. Kung sakali namang bawian ngbuhay ang isa sa mga aktibong myembro ng samahan ng matatanda ang kanilang pamilyang naiwan ay nakatatanggap ng tulong pinansyal nanagkakahalaga ng anim na libong piso (P6,000.00).

Isa pa sa mga programang MSWDO para sa ating mga “senior citizen” sakasalukuyan ay ang pagbibigay ng bwanang pensyon. Ang programang ito ay tinatawag na “Social Pension”. Ito ay naging batassa pamamagitan ng Batas Republika Bilang 9994 o ang “Senior Citizens Act of 2010”. Nakapaloob sa programang ito na ang pinakamahihirap namatatanda na may edad na 77 pataas ay maaaring maging benepisyaryo at makatanggap ng buwanang pensyonnanagkakahalaga ng limangdaang piso (P500.00) buwan-buwan.Ito ay kanilang natatanggap tuwing ikatlong buwan.Ang pensyon na ito ay talaga namangnapakalaking tulong para sa matatanda lalong lalo na sa mga walang kasama sa buhay o mag isang naninirahan na wala namang ibang maaasahan.

Sa kasalukuyan mayroong 65 nanakakatanggap ng naturangpensyon sa ating bayan. Ang mga ito ay nagmula sa ating ibat-ibang barangay.



See more News